Madame Meldy pinayagang magpiyansa, 'pag senior ba may discount? Hmmm...

KINAKAUSAP ng mga amuyong kay P-Digong ang CPP-NPA-NDF.
Anubayan?
◘◘◘
NAGTIYAGA pa rin si PRRD na dumalo sa APEC sa Papua New Guinea.
Puwede kasi matulog kahit nakaupo.
◘◘◘
NAAKSIDENTE ang biyenan ni Sen. Grace Poe.
Ligtas na 'poe' siya!
◘◘◘
IBINABALA ang bagyo na tatama sa Visayas at Mindanao.
Nanangkupo!
◘◘◘
MARAMI ang nagtatanong, bakit madalas makatulog si P-Digong sa mga kumperensiya?
Pero, walang nagtatanong kung anu-ano ang kanyang panaginip?
◘◘◘
MARAMI ang naiinggit kay Cong. Meldy na biniyan ng karapatang makapagpiyansa.
Hindi sinabi sa ulat na “binigyan” siya ng discount kasi “senior citizen”.
◘◘◘
INAAKALA ng ilan na makasisira sa kandidatura ni Gov. Imee ang paninirang ulat kay Cong. Meldy.
Kapag naabsuwelto siya, ang negatibo ay magiging super-positive.
Malamang Top 1 si Madame Imee!
◘◘◘
DAHIL sa isyu kay Cong. Meldy, nakaaarbor ng libreng publisidad si Gov. Imee.
Dapat siyang magpasalamat sa mga anti-Marcos na nagbibigay sa kanya ng sobra-sobrang “name recall”!
◘◘◘
ISA rin sa nakatitiyak ng panalo si Heneral 'Bato'.
Kasi iboboto siya ng mga dating nabibiktima ng pagnanakaw, carnapping, snatching, holdaper, rape, kidnap-for-ransom, bank robbery, swindling, akyat-bahay gang, budol-budol, laglag-barya at iba pang raket tulad ng pyramiding.
Nawala na ang lahat ng ‘yan mula nang maupo sina P-Digong at Heneral 'Bato'.
◘◘◘
DAPAT nang tumahimik at itigil ang protesta ng mga natalo sa subasta sa third Telco.
Estilo nila bulok!





Comments