top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 19, 2018 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 19, 2018 (Lunes): Kusang dumarating sa iyo ang mga suwerte dahil sa pagsisi­kap mo. Huwag mong ka­lilimutang magpa­­salamat sa nasa itaas.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakapapagod ang araw-araw na buhay, pero ngayon kikilos ang langit at bibigyan ka Niya ng ka­siyahan. Ibahagi mo ang mga suwerte mo sa mga taong malalapit sa iyo. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Darami ang mga kaibigan mo dahil kahit ayaw nila sa iyo, mahima­lang gugustuhin ka nilang maging bahagi ng kani­lang masayang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-2-11-21-24-30-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag-bi­yaya ang na­ka­laan para sa iyo. Hu­wag mo itong sa­yangin, idagdag mo ito sa pinagka­kaabalahan mong pagpa­pa­lago ng iyong kabu­hayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-purple. Tips sa lot­to-6-10-19-28-29-31.

CANCER (June 21- July 22) - Kikilos ang langit para labanan ang mga may planong sirain ka sa mata ng ibang tao. Dahil dito, sila ang ma­sisira at hindi ikaw. Ito ang pasya ng langit para sa iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-26-33-35-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito, pero huwag mo itong gamitin sa mga kinai­ini­san mo. Mas magandang palaguin mo pa ang iyong negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-23-27-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isang hak­bang paatras at da­lawang hak­bang pasulong, ito ngayon ang isabuhay mo nang sa gayun ay malito at masira ang diskarte ng mga ka­kumpitensiya mo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-19-28-40-42-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tularan mo ang agila na ka­pag masama ang panahon ay hindi lumili­pad sa ibabaw ng unos. Ibig sabihin, huwag mong harapin ang mga hindi mo kaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-24-33-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahuhu­log mula sa ita­as ang ma­yayabang na walang ma­gawa kundi ang maliitin ka. Ito ang gagawin sa ka­nila ng makapangyari­hang langit. Magpasala­mat ka sa nasa itaas. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-20-28-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli mong pagbigyan ang nagka­ka­mali. Ikaw din naman ay mada­las na nagiging ganu’n lalo na nu’ng hindi mo pa ga­anong alam ang iyong mga tungkulin. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-27-39-40-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na parang wala kang pi­nagdaraanan. Ito ang sik­reto para ang magagan­dang kapalaran ay mabilis na magsiguhit sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-5-17-20-21-25-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang mga walang magawa kundi ang pinta­san ka. Ang totoo, sila ay hindi masaya sa kanilang buhay kaya kinaiinggitan ka nila. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-9-11-17-25-36-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa iyong mga kaibi­gan ang mga su­werte mo ngayon. Sila ang magpapaganda sa bu­hay mo, gayundin, sila ang gagawa ng paraan upang mapalapit ka sa iyong mga pangarap sa buhay. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-2-18-28-30-36-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page