Bangkay ng kelot lumutang
Pabs Hernandez III
Nov 19, 2018
1 min read
IFUGAO—Isang bangkay ng binata ang lumutang, kamakalawa sa irigasyon ng Bgy. Panopdopan, Lamut sa lalawigang ito
Ang biktima ay nakilalang si Darde Laguardia, magsasaka at residente ng Bgy. Lucban sa naturang bayan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ni Laguardia sa nasabing irigasyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung may naganap na foul play o aksidenteng nalunod sa irigasyon ang biktima.





Comments