top of page
Pokwang.jpg

6 online tulak, arestado

Mylene Alfonso
Nov 19, 2018
1 min read

HULI ang anim katao, kabilang ang isang babae na sangkot sa ‘online trading’ ng high grade marijuana o kush sa isang buy-bust ope­ration na isi­nagawa sa labas ng isang mall, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong.

Kabilang sa mga na­aresto sina Michael Da­nkin, 26; Andre Daniel Pilapil, 19; Tyron James Reyes , 18; Jhon Anthony Padua, 21; Rona Andrade, 20, at Vance Somera Si­son, 30.

Sinabi ni Inspector Ro­well Robles kay Supt. Ig­medio Bernaldez, na natun­ton nila ang sindi­kato sa pamamagitan ng pakikipag-chat sa Face­book sa mga suspek na nag-aalok ng high grade marijuana.

Nang makipagkita sila bago maghatinggabi ni­tong Sabado sa Manda­luyong City para sa bini­biling kush ay nakabili sila ng mahigit sa 200 gramo ng kush bukod pa sa narekober sa kanilang motorsiklo.

Pawang mga estud­yante ng iba’t ibang ko­lehiyo at unibersidad umano ang mga paruk­yano ng mga sus­pek at ang iba ay banyaga.

Ang puhunan umano sa iligal na negosyo ay mula umano sa investment ng itinayo nilang hindi rehistra­dong investment company at ang high-grade marijuana ay nag­mumula pa sa iba­yong-dagat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page