top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

56 distressed OFWs mula Saudi, balik-bansa na

Gina Pleñago
Nov 19, 2018
1 min read

NAKABALIK na sa bansa ang 56 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia.

Dumating ang mga OFW sa Ninoy Aquino In­ternational Airport (NAIA) na sinalubong ng ilang ki­natawan ng Overseas Wor­kers & Welfare Adminis­tration (OWWA) at Mig­rante International.

Napag-alaman sa ulat na ang mga bagong dating na Pinoy worker ay makata­tanggap ng financial assis­tance mula sa pamahalaan upang magamit nila sa pag­sisimula ng kanilang maliit na negosyo.

Nitong nakalipas na buwan, dumagsa rin ang iba’t ibang grupo ng Pinoy wor­kers kung saan umabot sa kabuuang 1,470 OFWs na pawang naapektuhan ng pag­sasara ng Azmeel Con­tracting Corporation.

Sa salaysay ng mga OFW, hindi sila nakatang­gap ng limang buwang su­weldo kaya naisipan ng iba sa kanila na magtinda ng iba’t ibang pagkakakitaan para sila mabuhay.

Tinulungan din sila ng kapwa Pinoy workers nang makarating sa kanilang ka­alaman ang sinapit na kal­baryo ng mga manggaga­wang Pilipino roon.

Sa kabila nito, tiniyak na­man ng pamahalaan na mai­lilikas nila ang iba pang OFWs bago dumating ang kapaskuhan upang makapi­ling ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page