Yakang-yaka raw nila 'yun… MARIAN, 'DI TAKOT SA TAPATAN NILA NI REGINE
- Nitz Miralles
- Nov 18, 2018
- 1 min read

SUNUD-SUNOD ang ganap ni Marian Rivera na may kinalaman sa kanyang endorsements. Nauna ang launching ng Beautederm Home in Reverie. Nasundan ng renewal ng contract niya sa Nailandia. Sumunod ang dalawang launching ng Kultura X Marian Rivera Timeless Pearls kung saan nakipag-collaborate siya sa Kultura para sa design ng jewelry.
Sa ipinost ni Marian na photo niya, naka-display ang earrings, necklace at pendant na kanyang idinisenyo. Kaya lang, sa ilang malls pa lang ito available.
Samantala, sa Japan ise-celebrate ni Zia ang kanyang third birthday sa November 23. Tinanong nina Marian at Dingdong Dantes kung gusto ni Zia ng party at imbitahan ang mga kaklase nito. Pero, consistent si Zia na gusto niyang pumunta sa Tokyo, Disneyland. Sandali lang naman sila ru’n, hindi maaapektuhan ang taping ni Dingdong ng Cain at Abel.
Ang feeling pala ng press, dahil sa mga ngiti ng mag-asawa, alam na nina Marian at Dingdong ang gender ng baby nila, hindi pa lang inia-announce. Nu’ng sinabi kasi sa kanilang baby boy ang isisilang ni Marian, ngumiti ang dalawa at hindi sumagot. Pangako naman ni Marian, ipapaalam agad sa press ang gender ng baby nila.
Natanong si Marian sa paghahanda ng Sunday PinaSaya sa episode ngayong Linggo dahil first live appearance ni Regine Velasquez sa ni-reformat na A.S.A.P. Natin ‘To. Maikli lang ang sagot ni Marian, mahuhusay daw ang mga scriptwriters at creative team ng SPS at magagaling sa live comedy ang mga kasama sa show at loyal din ang mga viewers nila.





Comments