Snow storm sa U.S., 8 patay
Joy Repol Asis
Nov 18, 2018
1 min read
WALO katao ang nasawi sa pananalasa ng snow storm sa Northeast America dahilan upang kanselahin ang klase sa mga paaralan at ilang flights.
Labimpitong estado ang nawalan ng suplay ng kuryente mula Kentucky northeast hanggang Maine.
Mabilis umano ang nangyaring pagkapal ng yelo sa lungsod na ikinabigla ni New York City Mayor Bill de Blasio.
Agad pinayuhan ng awtoridad na manatili ang mga residente sa kanilang tahanan dahil sa panganib na dala ng snow storm.





Comments