Para sa mahihilig tumoma riyan, read n‘yo ‘to, dali! ALAK NA HINDI NAKAHA-HANGOVER, PATOK!
- BULGAR

- Nov 18, 2018
- 1 min read

AYAW mo na bang uminom nang marami dahil baka magka-hangover ka, sumakit ang ulo mo at maging sanhi pa ito ng iyong pagka-late sa trabaho? Don’t worry, beshy, dahil may nadiskubre ng alak na hindi nakapagdudulot ng hangover.
Weh, ‘di nga?
Isang alak ang nadiskubre ni Thomas Gesink kung saan ang mga sangkap nito ay nakababawas ng tsansa sa pagkakaroon ng hangover.
Ayon kay Gesink, mayroong sangkap na Vitamin B12 ang nasabing alak.
Ang bitaminang ito ay nakapipigil umano ng sakit ng ulo, maliban pa rito, ang Vitamin B12 daw ang natatanging bitamina na natutunaw sa tubig, gayundin, mayroon itong sea salt, luya at willow fibers upang maiwasan ang pagka-dehydrate at mayroon din itong cleansing effect sa katawan.
Ayon sa mga nakatikim na ng nasabing alak, may kakaibang lasa raw ito kumpara sa mga regular na beer.
Dagdag pa ng nakaimbento nito, kung sakaling ito ay nakapagdudulot pa rin ng hangover, mayroon silang Hangover Bar kung saan mayroong kama, oxygen at vitamin cocktails na makatutulong upang maka-recover ka sa hilo at bigat ng katawan.
Kaya para sa mga bro at sis natin diyang mahilig uminom ng alak, pero ayaw magkaroon ng hangover, try n’yo na ito!
Basta palagi ninyong tatandaan, drink responsibly!
Okie?





Comments