P-Digong tinitira sa pagtulog, at least, gumigising!
- BULGAR

- Nov 18, 2018
- 1 min read
TINITIRA si Digong dahil sa palaging natutulog.
Unfair kayo, tirahin ninyo kapag hindi na nagising.
Nagigising naman ang pobre, ano ang masama ru’n?
◘◘◘
ITINATWA ni PRRD na siya ang nagpapatay kay Mayor Halili.
Baka kay Dr. Jose Rizal ay ikaw din ang nagpapatay?
◘◘◘
INUUPAKAN ang “Ang Probinsyano” dahil sa negatibong paglalarawan sa kapulisan.
Promdi kasi sila.
◘◘◘
DARATING sa bansa si Xi Jinping.
Mabuhay ang pangulo ng Republika ng Ongpin!
◘◘◘
PAPASYAL si Digong sa U.S.
Isinauli na kasi ang Balangiga Bells.
◘◘◘
KAPAG isinauli ng China ang Spratlys sa ‘Pinas, tiyak papasyal sa Beijing si P-Digong.
Namamasyal siya kapag may isinasauli lang.
◘◘◘
PINATAY ang isang rape suspect.
Nanlaban na naman.
◘◘◘
KAPAG inaresto si Congw. Meldy, makuha kaya niyang manlaban?
Mandura, puwede!
◘◘◘
HINDI raw reresbak si Pulong kay Sen. Trillanes.
Sino ba ang may sabing reresbak siya?
◘◘◘
IDEDEKLARA nang third telco ang Mislatel.
Tapos ang istorya.
◘◘◘
HINDI na tinapos ni P-Digong ang kumperensiya sa APEC na ginanap sa Papua New Guinea.
Inaantok pa rin kasi siya, eh.
◘◘◘
ITINURO ang prinsipe ng Saudi na utak sa pagpatay sa isang journalist.
Hindi sinabi sa ulat kung gumamit ng “backhoe”?
◘◘◘
SA ilang ulat, ipinahihiwatig na pinatay ang naturang journalist gamit ang kemikal.
Kemikal na nakatutunaw ng buto.
Walang ebidensiya, kaya walang krimen.





Comments