top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Noon, adik lang ang mga rapist; ngayon, pati pulis, buwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2018
2 min read

TULAD NI P-DUTERTE, PALA­MURA NA RIN SI TEDDYBOY — Mi­nura ni DFA Sec. Teddyboy Locsin sa so­cial media ang mga netizen na pumuna sa hindi maayos na pananamit ni P-Duterte nang dumalo ito sa ASEAN Summit, na ayon kay Locsin ay hindi naman daw fashion show ang dinaluhan ng pangulo.

Dati, hindi naman palamura si Teddy­boy, pero nang madikit kay P-Duterte, ang lutong na ring magmura.

Isa ba iyan sa qualification para ma­ging bahagi ng Duterte gov’t., na ang mga nais maging opisyal ay dapat palamura at bala­hura? Buwisit!

◘◘◘

PULONG, TATAKBONG MAM­BA­­BATAS PARA MAG-REVENGE KAY TRILLANES AT HINDI MAG-SERVE SA PUBLIC? — Ang sabi ni P-Duterte, kaya raw kumandidatong kong­resista ang anak niyang si ex-Vice-Mayor Paolo Duterte ay para makapaghiganti sa numero unong kritiko ng kanilang pamilya na si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ganu’n? Aba’y bad iyan, kasi taxpayers ang magpapasuweldo kay Pulong para magserbisyo siya sa publiko, tapos ang pakay lang pala niya kaya nais niyang maging mambabatas ay para lang maka­paghiganti kay Trillanes, pwe!

◘◘◘

KULANG NA LANG SABIHIN NI PULONG, SINUNGALING ANG KAN­­Y­ANG AMA — Dahil bad sa pan­dinig ng publiko ang sinabi ni P-Duterte na revenge kay Trillanes ang pakay ng kan­yang anak kaya nais nitong maging mam­babatas ay agad kinontra ni Pulong ang naging statement ng kanyang ama at ni­linaw na hindi naman daw paghihiganti ang kanyang pakay kundi hus­tisya sa ginawang paninira raw ni Trillanes sa kanya at sa kanilang pamilya.

Kumbaga, kulang na lang sabihin ni Pu­long na nuknukan ng sinungaling ang kan­yang ama, boom!

◘◘◘

DATI, ADIK LANG ANG MGA RAPIST; NGAYON, MAY MGA PU­LIS NA RING RAPIST! — Sa inilabas na data ng PNP-Internal Affairs Service (IAS), 43 pulis na may kasong rape ang iniim­bestiga­han ng kanilang tanggapan.

Hay naku, kung dati mga adik lang ang rapist, ngayon ay may mga pulis na ring rapist, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page