LIFESAVERS, TINALO ANG SMART


MULING ipinamalas ng red-hot Generika-Ayala ang pamatay na porma sa bisa ng 25-19, 25-12, 25-15 laban sa Smart Giga Hitters sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Caloocan Sports Complex.
Si Patty Orendain ang bumida sa Lifesavers, na pinalawig ang winning streak sa tatlo sa opening pa lamang ng prestihiyosong women’s club tourney.
Nakapagdeliber si Orendain ng 18 puntos na isang high-flying open spiker mula sa Bacolod City, 13 digs at 10 excellent receptions nang umangat ang Generika-Ayala sa team standings sa bisa ng 3-3 win-loss card.
Ayon kay Libero Kath Arado na beterano na ang Smart at disiplinadong team sa straight set ay imposible na lalo na sa mahirap na torneo.
“To be honest, we didn’t expect to win in straight sets. We know that Smart is such a strong team with an intact core,” ani Arado, ang University of the East star na naasahan ng husto sa Lifesavers. (MC/VA)





Comments