top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Holdaper utas sa parak

Maeng Santos
Nov 18, 2018
1 min read

ISA umanong notoryus na holdaper na unang nam­biktima sa 38-anyos na babae ang patay matapos maki­pagbarilan sa tumutugis na mga pulis sa Caloocan City.

Ayon kay PO1 Rey­nante Duldulan, alas-3:00 ng madaling-araw, naglalakad si Rosemarie Alcantara ng Bgy. 176 patungong paleng­ke nang harangin ito ng suspek na nasa 40-45 ang edad at tinutukan siya ng baril sabay pahayag ng holdap.

Sa pangamba sa kan­yang buhay, hindi na puma­lag ang biktima nang kunin ng suspek ang kanyang bag na naglalaman ng pera, cell­phone at mga mahalagang gamit bago tumakas habang humingi naman ng tulong sa pulisya si Alcantara.

Agad namang nagsa­gawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng PCP-3 sa pangunguna ni Chief Insp. Raymond Nicolas hanggang sa makita ang suspek sa kahabaan ng Phase 9.

Sa halip na sumuko, nag­labas ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na naging dahilan upang mauwi sa barilan hanggang sa tamaan sa katawan ang holdaper na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page