top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit ng mga mamamayan sa mga tauhan ng PNP na nakatanggap na ng year-end bonus; serbisyo para sa ba

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 18, 2018
  • 1 min read

KASUNOD ng pag-apruba sa 14th month pay at cash gift na P5,000 para sa mga empleyado ng gobyerno, natanggap na umano ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang year-end bonus nila.

Kung saan katumbas ito ng kanilang isang buwang basic salary at hiwalay pa ang limang libong cash gift mula sa pamahalaan.

Dahil dito, maraming mamamayan ang nagbigay ng kanilang opinyon lalo na ‘yung mga hindi sakop ng panukala, anila, karamihan sa mga pulis ay nasa­sangkot na sa iba’t ibang krimen sa bansa pagkatapos sila pa ang naka­tatanggap ng sobra-sobrang biyaya.

Kaya naman hiling ng karamihan, dahil nadoble na ang sahod ng ka­pulisan, nakatanggap sila ng year-end bonus at cash gift, tuldukan na umano nila ang paggawa ng katiwalian!

Itigil na ang pangongotong at pan­loloko lalo na ‘yung mga aktibidad na may kinalaman sa pera.

Bagama’t, hindi ito sapilitan, tuparin na sana nila ang sinumpaan nilang tungkulin sa bayan at kung maaari ay doblehin pa nila ang kanilang serbisyo lalo na ngayong umabot na sa ka­lahating milyon ang mga Pinoy na patuloy ding nagpapasaway.

Sa ganito, mapatutunayan nila na karapat-dapat sila para sa mga natatanggap nilang benepisyo mula sa gobyerno at mamamayan.

Palagi nating tatandaan, na aanhin natin ang malaking suweldo at mga benepisyo kung aminado tayong hindi natin nagagampanan nang maayos ang ating trabaho?

Batu-bato sa langit, ang tamaan ‘wag magagalit. He-he-he!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page