Goodbye na sa magulo, mabagal at palpak na housing program

SA pagbabalik ng sesyon noong Lunes, Nobyembre 12, tinuldukan na ng Senado ang mahabang paghihintay ng ating mga kababayan sa ahensiyang magtitiyak ng maayos at mabilis na programang pabahay.
Ang tinutukoy natin ay ang ratipikasyon ng mga senador sa Bicameral Conference Committee Report na panukalang pagtatatag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Bakit kailangan ang Department of Human Settlements and Urban Development?
Aba, sa sobrang dami ng government housing offices, walang iisang “ulo” na nagmamando sa housing program at ang nangyayari, hindi synchronized ang implementasyon kaya mabagal at marami itong kapalpakan.
Ang nakatatakot kapag nagpatuloy na bumagal at magulo ang housing program, aabot sa mahigit 6 na milyon ang housing units backlog ng Pilipinas pagsapit ng 2022.
Ang DHSUD ang sagot sa magulong housing program dahil ito ay ahensiyang may iisang board na babalangkas ng mga polisiya at regulasyon, mangunguna sa pagpapatupad ng programa at mahigpit na susubaybay para matiyak na maayos, disente at ligtas hindi lamang ang mga housing unit kundi ang mga lugar na pagtatayuan ng mga ito.
Pag-iisahin sa DHSUD ang magkahiwalay na functions ng Housing and Urban Development Coordinating Council at Housing and Land Use Regulatory Board — dalawa sa pangunahing housing agencies ng gobyerno sa kasalukuyan.
Gayunman, pinasasalamatan natin ang mga tumulong at naging co-author ng ating panukala na sina Senators Legarda, Drilon, Pacquiao, Binay, Angara, Escudero, Villanueva, Gatchalian, Trillanes, Hontiveros, Zubiri, Poe at SP Sotto. Gayundin, sa mga partner ng pinamumunuan nating Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement tulad ng HUDCC, HLURB, NHA, Social Housing Finance Corporation, National Home Mortgage Finance Corporation, Home Development Mutual Fund at Home Guaranty Corporation at sa mga kaalyado natin sa private sector tulad ng The Chamber of Real Estate and Builders’ Association, Subdivision and Housing Development Association, Organization of Socialized and Economic Housing Developers of the Philippines, Philippine Association of Real Estate Board, Real Estate Brokers Association of the Philippines, Urban Poor Organizations at marami bang iba.
Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng bawat Pilipino para sa inaasam at ipinaglalaban nating ginhawa ng bayan.





Comments