Driver inatake | TRAK SUMALPOK SA PUNERARYA
- mylene alfonso
- Nov 18, 2018
- 1 min read
BUMANGGA sa harapan ng isang punerarya ang isang cement mixer truck nang atakehin ng epilepsy ang driver nito sa Sampaloc, Manila.
Isinugod sa Ospital ng Sampaloc ang driver na nakilalang si Benjamin Mendoza.
Batay sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, dumiretso umano sa Mark Memorial Chapel sa Gerardo Tuazon at Loreto Sts., alas-11:30 ng gabi ang nasabing trak.
Nakita sa CCTV na may 11 katao na nakikipaglamay ang masuwerte namang hindi nasagasaan matapos tumama muna sa poste sa harap ng punenarya ang trak.
Ayon sa mga testigo, nang tingnan nila ang mga sakay sa loob ng trak ay napansin nila na tila nangingisay ang driver kaya isinugod agad sa nasabing ospital.





Comments