Deodorant spray sininghot, kelot tigok
PATAY ang 19-anyos matapos ma-high sa sininghot na deodorant spray sa The Netherlands.
Ayon sa imbestigasyon, may history ng psychotic symptoms ang biktima.
Napag-alaman ding may record ng cannabis at ketamine abuse ang nasawi dahilan upang ma-admit ito noon sa rehabilitation center.
Ayon kay Dr. Kelvin Harvey Kramp ng Maasstad Hospital, sinadya umanong singhutin ng biktima ang spray na sanhi ng pagka-high nito.
Matapos singhutin ang nasabing deodorant, naging hyperactive umano ang biktima, nagtatalon at huminto ang blood flow.
Nagresulta ito ng cardiac arrest dahilan upang masawi ang biktima.





Comments