top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Buking ng mister na parak | PULIS NA KABIT NG MISIS, NIRATRAT

Gina Pleñago
Nov 18, 2018
1 min read

TODAS ang isang pu­lis nang pagba­barilin ng kan­yang kabaro matapos si­lang dumalo sa isang programa sa loob ng National Capital Re­gional Police Of­fice (NCR­PO) kahapon ng umaga sa Taguig City.

Dead-on-arrival sa Ta­guig-Pateros District Hos­pital si PO1 Mark Carlo Pa­samba, 29, nakatalaga sa Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Ba­­tallion (MFC-RMFB).

Nasa kustodiya na­man ng Taguig City Police ang suspek na si PO1 Carlos Al­berto Aljama, 31, nakatalaga sa Admin Holding Office ng RMFB matapos sumu­ko.

Base sa report na naka­rating kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, nangyari ang pamamaril sa head­quarters sa 2nd St., Camp Bagong Diwa, Bgy., Bicutan Taguig City alas-8:30 ng umaga.

Napag-alaman na galing sa pagdalo ang biktima at suspek sa Police Informa­tion and Continuing Edu­cation (PICE) na inorganisa ng RMFB.

Nang matapos ang pro­grama, kinompronta umano ni PO1 Aljama si PO1 Pa­samba.

Nauwi ito sa pagbunot ng baril ni PO1 Aljama at pinagbabaril nito si PO1 Pa­samba, na agad naman isi­nugod ng kanilang rescue team sa nabanggit na ospi­tal, subalit, binawian din ito ng buhay.

Base sa teorya ng pu­lisya, posibleng love triangle ang motibo sa pamamaril.

Sinasabing naghinala umano ang suspek na may namamagitan umanong re­lasyon ang biktima at kan­yang misis na malaon na nitong kinikimkim.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page