5 sundalo todas sa Sayaf
- Jeff Tumbado
- Nov 18, 2018
- 1 min read

PATAY ang limang sundalo habang sugatan ang nasa 23 iba pa nilang kasamahan sa sagupaan laban sa Abu Sayyaf sa Sulu.
Ayon kay Col. Gerry Besana, naganap ang bakbakan sa Bgy. Liang, Patikul, Sulu, kamakalawa ng gabi.
Inaalam pa kung may nasawi sa panig ng kalaban.
Ginagamot naman sa iba’t ibang ospital sa Sulu at Zamboanga ang mga sugatang sundalo habang patuloy pa ang operasyon ng awtoridad laban sa teroristang grupo.





Comments