10 bahay natupok
Pabs Hernandez III
Nov 18, 2018
1 min read
TACLOBAN CITY — Sampung bahay ang natupok kamakalawa sa Bgy. 42-Siren.
Ayon sa ulat, bigla umanong nasunog ang isang bahay sa nasabing lugar at dahil gawa lang sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy at nadamay na nasunog ang siyam pang kabahayan.
Nabatid na wala namang naiulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang mabatid ang sanhi ng sunog sa naturang barangay.





Comments