top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Pag sinasabing papatay | KUWENTO KO LANG ‘YAN — DIGONG

Mylene Alfonso
Nov 18, 2018
1 min read

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na un­fair umano na iugnay sa kanya ang nangyaring pamamas­lang kay Ta­nauan City, Ba­tangas Mayor Antonio Ha­lili.

“Kagaya nu’ng si Ma­yor Halili ng Ta­nauan, nag-bayang ma­giliw, boog! Patay siya, tapos ako ang pagbin­tangan. Unfair sila sa akin,” pahayag ni P-Du­terte sa kan­yang talum­pati sa harap ng Filipino community sa Pa­pua New Guinea.

Itinanggi rin ng pa­ngulo na may basbas siya sa pag­patay sa al­kalde.

“Wala akong alam. Ako magsabi man lang ako patayin kita pero, pantakot man lang ‘yan, istorya man lang ‘yan. Naniwala ka na­man? Sino ang nagpatay? O ang pulis o tanungin mo,” ani P-Duterte.

Matatandaang, pi­natay si Halili habang nasa flag cere­mony sa Tanauan City Hall noong Hulyo ng kasalu­ku­yang taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page