top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tinangay, kinagat sa mukha | BEYBI PATAY SA UNGGOY

Joy Repol Asis
Nov 17, 2018
1 min read

NASAWI ang 12-day-old na sanggol matapos tangayin ng unggoy mula sa kanyang ina sa Uttar Pradesh, India.

Ayon sa mga awtoridad, narinig ng mga kapitbahay ang malakas na iyak ng sanggol dahilan upang rumesponde ang mga ito.

Natagpuan na lamang ang sanggol na wala nang buhay sa terrace ng kapitbahay.

Batay sa imbestigasyon, kinagat umano sa mukha ang sanggol na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Pangkaraniwan na umano ang pag-atake ng mga unggoy sa bansa.

Tinatayang, nasa 268 kaso ang naitala sa siyudad noong 2016.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page