Tahimik lang pero 'di na ma-reach sa sobrang yaman… KIM, PASOK SA TOP CELEBRITY TAXPAYERS SA 
- BULGAR

- Nov 17, 2018
- 2 min read

LUMELEBEL na si Kim Chiu sa ibang top celebrity taxpayers ng bansa. Hindi man i-flaunt ni Kim ang kanyang properties and investments, masisilip naman kung magkano ang binabayaran niyang tax sa BIR every year.
But when asked by Asia’s King of Talk, Boy Abunda sa kanyang evening talk show na Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Kim na sakto lang ang yaman niya. At the same time, keri na niyang bilhin lahat ng gusto niyang ma-gets na material things.
Pero sabi naman ni Kuya Boy kay Kim, kung sakto lang ang pera niya, hampaslupa na ang ibang artista.
Kaya lang, siyempre, ‘di naman lahat ng bagay sa mundo ay nabibili ng salapi gaya na lang nu’ng nagkasakit ang mga magulang niya. Kahit kayang-kaya niyang ipagamot ang mga ito sa pinakadalubhasang doktor at pinakamahal na ospital, hindi pa rin umubra.
Mabuti pa nga si Kuya Boy, kahit may dementia na ang kanyang ina na si Nanay Lesing ay kapiling pa rin niya. Ipinagawa niya ng parang hospital bed si Nanay Lesing sa kanilang bahay at thankful siya na malakas pa rin lahat ng vital signs sa katawan ng ina.
“She’s a very strong woman. She’s turning 90 ngayong January 1, 2019. Nanay’s vitals are very strong. She has aged-old dementia. May mga araw na ang aming dasal na sana ay makapagpahinga at matulog. ‘Pag natutulog naman, dalawa, tatlong araw, dire-diretso. May mga araw naman na ang aming dasal ay sana’y gumising dahil tuluy-tuloy din ang kanyang tulog,” pahayag ni Kuya Boy sa awarding ceremony ng 2018 Ten Best Nanay Awards mula sa kanyang Make Your Nanay Proud Foundation.
May araw na siya raw ang nagtuturo kay Nanay Lesing to open her mouth and chew her food. May araw ding sobrang sakit para sa kanila na makitang nahihirapan si Nanay Lesing dahil sa karamdaman nito.
Wala raw silang magawa kundi ang lumuhod at magdasal sa Panginoon.
“Pero hindi ako mapapagod sa kakasabi sa inyo at sa buong mundo using my platform that the biggest blessing I have in my life ay binigyan ako ng Panginoong Diyos ng pagkakataon na maging nanay sa aming nanay. Because naniniwala ako that no other job, no other profession, no other person in the world is more important than a mother,” say pa niya.
Naging guro si Nanay Lesing sa loob ng 41 taon, 11 buwan at dalawang araw, ayon kay Kuya Boy. Tuwing sumasali raw siya sa mga contests, sinasabi ng ina na ‘wag isipin kung mananalo siya o hindi dahil bago pa man mag-umpisa ang contest, winner na agad si Kuya Boy para kay Nanay Lesing.
“‘Speak slowly. Listen to yourself,’ sabi niya sa akin. At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang sinasabi ng nanay lalo na nu’ng ako’y nag-uumpisa rito sa celebrity business. ‘Huwag kang mapapagod at huwag kang masisilaw sa ilaw. Know your way back home. For as long as you know your way back home, you’re okay.’”
Kabilang sa sampung butihing ina na tinanghal bilang Best Nanay for 2018 ng MYNP Foundation ay ang retired teacher at mag-isang itinaguyod ang dalawang anak na makapagtapos sa kolehiyo na tinawag din bilang “NayTay ng Tondo” na si Mrs. Flocita Tiles Gragas.
Congrats po sa inyong lahat!





Comments