top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SINO ANG TITIBAG SA ADAMSON, ANG UST, UE O UP SA CHEERDANCE?

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2018
1 min read

SISIKAPING ipagtanggol ng Adamson ang unang koronang napanalunan bilang kampeon sa UAAP Cheerdance Competition ngayong Season 81 na gaganapin sa MOA Arena sa Pasay.

Tiyak na magle-level-up sa kanilang performance ang Adamson Pep Squad upang panatilihin ang kanilang titulo. Inaasahang magiging dikdikan ang labanan ngayong taon lalo pa’t nakikita na ang malaking improvement ng lahat ng koponan na napatunayan ng pagwawagi ng Adamson at pagtapos na 3rd place ng University of the East Pep Squad noong isang taon.

Batay sa order of performance ngayong Season 81, huling magpi-perform ang Adamson ngayong hapon.

Unang sasalang ang sorpresang podium finisher na University of the East na susundan ng isa sa mga crowd favorite University of the Philippines na maghahangad na makabalik sa podium pagkaraang mawala noong isang taon.

Pangatlo sa magpapakitang-gilas ang nakaraang taong runner-up na University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe na susundan ng De La Salle University Animo Squad.

Kasunod naman nila ang isa pang paborito at dating kampeong National University Pep Squad habang pang-anim ang Ateneo de Manila Blue Babble Batallion at ikapito ang Far Eastern University Cheering Squad. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page