top of page
Pokwang.jpg

Sey ng experts... PAKIKINIG NG MUSIC HABANG NATUTULOG, GOOD SA HEALTH!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2018
1 min read

MAHILIG ka bang magpatugtog ha­bang natutulog? Good ‘yan, dahil ayon sa mga eksper­to, ang pakikinig ng music habang na­tutulog ay may ma­gandang epek­to sa ating kalu­su­gan. Amazing!

Base sa neuroscience studies, kahit na ang pag­tulog na paraan ng pagpa­pahinga ay gumagana pa rin daw ang ating utak kung saan ito ay may se­veral stages of sleep.

Gayunman, ayon sa In­ternational Journal of Nur­sing Studies, ang mu­sic ay naka-alleviate ng acute at chronic sleep dis­orders, kaya may magan­da talaga itong epekto para sa lahat lalo na para sa mga hirap matulog o sinusumpong ng insom­nia.

Bukod pa rito, ang pa­kikinig ng music ha­bang natutulog ay nakare-re­duce ng stress, nakade-decrease ng blood pres­sure at nakare-recharge ng brainpower.

Gayundin, epektibo rin umano itong panlaban sa depresyon lalo na nga­yong marami na ang nakararanas nito.

Pero, ang paalala ng mga eksperto, kung ma­kikinig ng music habang natutulog, mainam na huwag gumamit ng ear­plugs dahil marami nang nai-report na namatay dahil sa electrocution da­hil dito, kaya oks lang kung sa speaker na lang mismo at hinaan na lang ito upang dehins ka ma­kaistorbo ng iba na ayaw ng maingay.

Talagang malaki ang maitutulong nito, mga be­shy, lalo na kung music lovers tayo, tiyak na easy lang ito para sa atin.

Oh, ayan, dehins na natin kailangang mag-worry para makatulog nang mahimbing sa gabi.

Sleep well, mga beshy!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page