Presidential Son na si Baste, kakandidato kahit aminadong walang alam?!

POLITIKA, INAYAWAN NI DOLPHY KASI WALA SIYANG ALAM; ‘BASTE’, KUMANDIDATO KAHIT SABI NIYA WALA SIYANG ALAM —Inalok noon si Dolphy na kumandidato kasi sure win siya, pero tinanggihan niya ito at ang sabi niya “madaling tumakbo, ang ikinatatakot ko baka manalo ako dahil kapag doon na ako baka mapahiya lang ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko at sayang lang ang pagboto sa akin ng mga tao”.
Nang alukin ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kapatid niyang si ‘Baste’ na mag-vice-mayor, tinanggap nito agad at nang tanungin ng media si ‘Baste’ sa maiaalok niya bilang vice-mayor ng lungsod, ang sagot niya ay “alam ninyo, hindi ko talaga alam”, boom!
◘◘◘
HINDI LANG PALA 3 KUNDI 6 NA EVENTS ANG TINULUGAN NI P-DUTERTE SA ASEAN SUMMIT — Hindi lang pala tatlo kundi anim na importanteng events ang hindi dinaluhan ni P-Duterte sa ASEAN Summit sa Singapore dahil nakatulog daw ang pangulo.
Mantakin ninyo, daang milyong piso na mula sa taxpayers ang ginastos ng grupo ni P-Duterte sa pagtungo sa ASEAN Summit tapos tutulugan lang pala ang mga importanteng event sa pagtitipong ito, buwisit!
◘◘◘
SA ‘COLD WAR’ NG U.S. AT CHINA; P-DUTERTE, BAKA SA CHINA LANG KUMAMPI? — Ang sabi ng Singaporean Prime Minister, dapat mamili na ang mga lider ng mga bansa sa Asya kung kanino papanig sa “cold war” ng Amerika at China.
Sa isyung ‘yan, baka Pilipinas lang ang kumampi sa China kasi sa ASEAN Summit ay nagmistulang spokesman ng China si P-Duterte nang sabihing dapat na raw tanggapin ng Amerika at iba pang bansa ang katotohanan na nasa kamay na ng China ang mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, boom!
◘◘◘
MATITIGIL NA ANG PAGKAHAMBOG KASI PLAKANG ‘8’, KUKUMPISKAHIN NA NG PNP-HPG — Huhulihin na ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang mga sasakyang may plakang “8” na pang-kongresista.
Ayos ‘yan para matigil na ang pagkahambog sa kalsada ng mga motoristang feeling hari ng kalsada porke “8” ang plaka ng kanilang mga sasakyan, period!





Comments