Paolo tatakbong cong, para makaganti kay Trillanes | MAGPATAYAN KAYO! — DIGONG
- BULGAR

- Nov 17, 2018
- 1 min read

IBINULGAR ni Pangulong Rodrigo Duterte na papasukin ng anak na si Paolo ang Kongreso para makaganti sa panghihiya ni Senador Antonio Trillanes IV.
“I think, he’s running for congressman kasi napahiya, hiniya ni Trillanes. He was summoned to Congress. Ganu’n si Trillanes,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Papua New Guinea, kung saan siya dadalo sa 26th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting.
“Gaganti talaga ‘yan. He will be running for congressman tabla sila d’yan. Sabi ko, magkaaway man kayo ni Trillanes pagdating ninyo sa Congress magbarilan kayo at mamatay ka, ililibing kita. That’s how it is,” dagdag pa ng pangulo.
Matatandaang, inimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si Paolo at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte, kaugnay sa P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC). (BRT)





Comments