Kwadradong Kulay: Letrang L Ni: Kargador

Okay lang pero,
nakauumay na kasi, eh.
Maiba naman siguro,
trip ko kasi si ate.
Ang ganda kasi niya,
mabait at hindi boba.
Kapag sinabi ko sa kanya na gusto ko siya,
matatanggap kaya niya?
Sana naman oo dahil
totoo ang nilalaman ng puso ko.
Baka magreklamo,
‘yan ang hirap sa atin.
Okay lang naman siguro
dahil hindi ko na mapigilan ‘to.
May karapatan ako,
na magmahal ng kapwa ko.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments