top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kandidato niratrat ng riding-in-tandem, utas

Paul Lamsen
Nov 17, 2018
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang dating konsehal na muling kakandidato sa Bayambang, Pangasinan.

Naglalakad malapit sa kanyang bahay sa Bgy. Poblacion ang biktimang si Levin Uy, 48, nang ito ay pagbabarilin. Sugatan din ang kasama nitong si Cesar Salosagcol matapos tamaan ng ligaw na bala. Isinugod pa sa pagamutan si Uy pero, hindi na rin ito umabot nang buhay.

Nabatid na kasalukuyang chairman ng Kasama Ka sa Barangay Foundation ang biktima.

Samantala, anggulong politika ang isa sa mga sinisiyasat ng pulisya sa pamamaslang sa biktima. Naglaan na ng P2 milyong pabuya para sa makapagsasabi kung sino ang pumatay o nagpapatay kay Uy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page