top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kalinga at awa sa kapwa, dapat pa rin nating pairalin

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2018
2 min read

MAHIGIT labingwa­long taon na nang umpisahan ni Maria ang Kariton ng Mahihirap. Naghihirap noon ang bansa dahil maraming katiwaliang nagaganap sa ilalim ng adminis­tras­yon ni dating Pangu­long Joseph “Erap” Estrada. Wala pang sampung taon nang mag­karoon ng pam­bansang pagtitipon ang Simbahang-Katolika. Ang ginanap na Second Plenary Council of the Philippines o PCP II sa San Carlos Seminary, Guadalupe, Makati na dinaluhan ng mga kina­tawan ng bawat diosesis kasama ang mga lay­ko, kongregasyon ng mga lalaki at babaeng relihiyoso, Obispo at ilang kaparian.

Ngayong Sabado, ika-17 ng Nobyembre 2018, ilulunsad ng Dio­sesis ng Cubao ang Ka­ri­ton ni Kiko ay Kariton ng Awa at Kali­nga. Isa sa inspirasyon ng ‘Kariton ni Kiko’ ay ang motto ni Papa Fran­cisco na “miseran­do atque eli­gendo”. Naranasan natin ang malalim na awa ng Diyos at tayo ay sinugo Niya bilang mga taga­pa­hayag at taga­paghatid ng kanyang banal na awa.

Ang panga­lawang inspirasyon nito ay si San Francisco ng Assisi, ang patron ng mahihirap at ng kapali­giran at kaya Kiko ang pangalan ng kariton ay dahil sa sari-saring kara­hasan at kalupitan na lumalaganap sa daigdig na nagbubunga ng higit na kahirapan at krisis ng kapaligiran.

Ayon sa ilang ulat, halos lumampas ng tatlumpung libo ang mga mahihirap na biktima ng war on drugs, napaka­raming umaalma at nag­reklamo sa taas-presyo ng mga bilihin, nawasak ang Marawi at patuloy na nanganganib ang kapa­ya­paan hindi lang sa Mindanao kundi sa maraming bahagi ng bansa. Hindi Martial Law ang sagot dito kundi ang pagkakaroon ng epektibong programa upang bawasan at wakasan ang kahirapan gayundin, hindi ang buwis sa ilalim ng TRAIN Laws 1 at 2.

Sa pamamagitan ng programang Kariton ni Kiko, Kariton ng Awa at Kalinga, pupunta ang mga kasapi ng Diyosesis ng Cubao sa mga lansa­ngan at sa lugar ng mga maralitang tagalungsod.

Makikita sa harapan nito ang kakaibang estatwa ni San Francisco subalit, hindi ito muk­hang Italyano at mukhang mayaman sapagkat Pi­noy na Pinoy ang kan­yang mukha at makikita sa kanyang abito ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng maralitang tagalungsod. Sa apat na tabi, harap, likod, kaliwa at kanan na gilid, mayroong paintings ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo gayundin, sina Mother Teresa at San Francisco at ang apat na elemento (tubig, lupa, hangin at apoy).

Sa pag-ikot ng Kari­ton ni Kiko, sasamahan ito ng mga maralitang tagalungsod, layko, relihiyoso at kaparian na mula sa mga parokya. Sa pamamagitan nito palalalimin at muling tutugunan ang hamon ng PCP II na “Maging Sim­bahan ng Mahihirap”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page