top of page
Pokwang.jpg

Kalahating milyong Pinoy sa Metro Manila, mga pasaway!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2018
1 min read

SA loob ng limang buwan, halos kalahating milyong Pinoy ang nahuling lumabag sa iba’t ibang or­dinansa sa Metro Manila.

Sa inilabas na datos ng National Capital Region Police Office, 497,942 ang hinuli at pinagsabihan dahil sa paglabag sa mga ordinansa mula noong June 13 hanggang November 16.

Pinakamarami ang lumabag sa smoking ban na umabot sa 139,774. Sumunod ang mga walang suot na damit pang-itaas sa bilang na 31,187 habang 22,912 ang sinita dahil sa pag-inom sa kalsada.

Samantala, nasa 30,775 menor-de-edad ang hinuli dahil sa paglabag sa curfew hours.

Umabot sa 273,288 ang lumabag sa iba pang mga lokal na ordinansa.

Samantala, ang Quezon City Police District ang may pi­nakamaraming hinuli at sinita na mga lumabag sa bilang na 291,812.

Sadyang marami pa rin ang matitigas ang ulo.

Kapag sinabing bawal, bawal.

Sino ba ang makikinabang sa mga ordinansang ito, hindi ba’t tayo rin?

Ang mahirap sa iba, alam nang mali, ginagawa pa rin; kapag hinuli, akala mo maamong tupa, sori nang sori, uulitin din naman.

Kaya payo sa ating mga awtoridad, huwag padadala sa mga pasaway na ito, mga paawa-epek!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page