Indonesia niyanig ng magnitude 5
Joy Repol Asis
Nov 17, 2018
1 min read
NIYANING ng Magnitude 5 na lindol ang isang isla sa Indonesia.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ala-1:23 ng madaling-araw (Philippine time) nangyari ang pagyanig.
Naitala ang episentro ng lindol sa 37 kilometro timog, timog-silangang Isla ng Bualu, Indonesia.
63.2 kilometro naman ang lalim nito.
Wala namang inaasahang aftershocks ang lindol na naitalang Intensity I hanggang IV.





Comments