top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Habang naka-duty | LADY GUARD BINARIL, TODAS

Levi Gonzales
Nov 17, 2018
1 min read

ISANG lady guard ang nasawi makaraang barilin sa likod habang naka-duty sa Bgy. San Lucas, Lipa City, Batangas.

Ayon sa ulat, alas-7:25 ng umaga abala sa pagsusuri ng dala-dalang bag ng mga papasok na empleyado ang biktimang si Elizabeth Calago ng TRC Inc., nang magpanggap namang trabahador ang isang lalaki.

Paglapit sa kanya, agad siyang binaril sa likod bago tumakas.

Agad din itong dinala sa pagamutan ngunit, idineklara itong dead-on-arrival habang patuloy naman ang imbestigasyon sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page