top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Guilty sa graft | IMELDA MARCOS, NAGPIYANSA NG P150K

Jeff Tumbado
Nov 17, 2018
1 min read

INATASAN ng Sandiganbayan si dating unang ginang at ngayon ay Ilocos Norte Representative Imelda Marcos na maglagak ng P150,000 bilang piyansa nito.

Ito ay para sa kanyang pansamantalang kalayaan matapos siyang mapang guilty sa pitong bilang ng kasong graft noong Nobyembre 9.

Hangga’t hindi naibabayad ang P150,000 na bail, hindi pinayagang umalis sa court premises si Marcos.

Sa pagharap sa pagdinig ng Anti-Graft Court sa kanyang inihaing motion for leave kahapon, sinabi ni Marcos na nabigo siyang dumalo sa promulgation ng kanyang kaso dahil hindi niya agad nalaman ang petsa nito. Nalaman lang umano niya na promulgation na pala ng kanyang kaso nang mapanood niya sa balita.

Maliban dito, sinabi ni Marcos na hindi rin maganda ang kanyang pakiramdam nang siya ay magising noong Biyernes.

Tinanong naman ni Sandiganbayan 5th Division Justice Rafael Lagos si Marcos kung bakit nakadalo ito sa birthday party ng anak.

Sagot naman ng dating unang ginang, umiyak at nagmakaawa sa kanya ang anak na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos para dumalo siya sa party.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page