top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

ASSETS AT LADY REALTORS TARGET ANG 1ST WIN SA PSL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2018
2 min read

UNANG panalo ang pakay ng nagkukumahog na Cocolife Asset Managers at Sta. Lucia sa kanilang pag­haharap sa Philippine Superliga All-Filipino Conference mamayang hapon sa Caloocan Sports Complex.

Magsisimula ang aksi­yon ng 6 pm at target ng As­set at Realtors na mapapu­westo sa win column sa pres­tihiyosong women’s club tourney. Samantala, patuloy ang mainit na laro ng Petron Blaze Spikers kontra Cignal HD ng 4 p.m. habang baba­nat ng buto ang Generika-Ayala sa Smart Giga Hitters ng 2 p.m. opener ng liga na isinasaere ng ESPN5.

Matibay ang Blaze Spi­kers sa tuktok ng standings makaraan ang 4-0 start habang ang eartswhile leader Foton Tornadoes ay lagpak sa 2nd spot kasunod ng straight-set loss sa F2 Logistics noong Huwebes, 15-25, 13-25, 13-25.

Pero lahat nakaabang sa main game. Matapos ang mabagal na simula, malaki ang pagkakataon ng Asset Managers na makuha ang unang panalo nang talunin ang Giga Hitters sa deciding fifth set sa nakaraang laro noong Huwebes.

Pero bahagya lang sila sinuwerte. Si Gretchel Soltones kasi ang bumida sa laro nang ilabas ang karanasan at dominahin ang game sa krus­yal na 5th set kontra Asset, 25-16, 18-25, 25-20, 23-25, 15-11.

Nag-iisang pag-asa si Filipino-American recruit Kalei Mau sa tinapos na 25 puntos, 15 digs at 27 excellent receptions para sa Asset na wala pang panalo sa apat na simula ng laro. “We are such a young team and we are very patient with our development,” ayon kay Cocolife coach Moro Branislav,na humawak sa team na pawang college players na una palang sumasabak sa mabigat na kompetisyon. “But winning a game or two will be very good as far as their morale and confidence are concerned.”

Hindi madali ang kani­lang mga panalo. Sinisikap ng Sta. Lucia na ayusin ang momentum bagamat batbat sila ng injuries para sa target na winning run. Bagamat ang mga nakaraang laro kontra Generika-Ayala ay nagre­sulta sa isa pang three-set disaster, nagawa pa ring pahabain ni head coach George Pascua ang kanyang pasensiya at sa halip ibini­bigay ang pinakamahusay na laro. “We will try our best to win again on Saturday,” ayon kay Pascua na nasa kulelat pang standings ang team sa 0-5 marka. “Our morale remains high. We know that we are fighting without our top scorer (MJ Philips) so we will do everything to win.”

Habang wala si Philips dahil sa shoulder injury, inaasahan ni Pascua sina dating Ateneo ace Jhoanna Maraguinot, Rebecca Rivera, Micmic Laborte at skipper Pamela Lastimosa. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page