Tiniyak ng DOE at ERC | WALANG ABERYA SA SUPPLY NG KURYENTE

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na walang mangyayaring aberya sa supply ng kuryente kaugnay ng hindi pagre-renew sa ilang kumpanya ng kuryente.
Wala umanong dahilan para mangamba pa ang mga residente sa nauna nang banta ng Panay Electric Company (PECO) na magkakaroon ng power blackout sa oras na hindi ma-renew ang kanilang prangkisa na nakatakdang mag-expire sa Enero 19, 2019.
Ayon kay Iloilo City Councilor Joshua Alim, maituturing na ‘blackmailing’ ang pagbabanta ng PECO gayunman, wala umanong dapat na ikatakot ang mga residente dahil mismong ang DOE at ERC na ang nagbigay ng kasiguruhan na mayroon na itong inilalatag na measures para maiwasan ang pagkadiskaril ng electricity supply sa lugar.
Samantala, siniguro ng kinatawan ng DOE na si Antonio Barcelona sa pagdalo nito sa naganap na pagdinig ng Senate Committee on Public Services noong Oktubre 22 na maaaring magpatupad ang ahensiya ng automatic divestment assets ng PECO pabor sa susunod na distribution utility firm na mabibigyan ng congressional franchise para masiguro ang tuluy-tuloy na power service.





Comments