SOLTONES NG GIGA, FULLY LOADED ASSET MANAGERS, ‘DI MAKAKONEK


NAGWAGI ang Smart sa bisa ng 26-16, 18-25, 25-20, 23-25, 15-11 victory laban sa Cocolife Asset Managers upang makabalik sa winning track sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre.
Ipinakita ni Gretchel Soltones ang pagiging beterano para palakasin ang Giga Hitters at itala ang second win sa apat na laro sa prestihiyosong club tourney.
Bumanat si Soltones, dating Most Valuable Player sa National Collegiate Athletic Association ng 17 puntos, 16 digs at 25 excellent receptions para sa Smart, na umasa rin sa powerful performance nina Czarina Carandang, Jerrili Malabanan at Joyce Sta. Rita.
Nakaiskor si Malabanan ng 13 hits habang sina Carandang at Sta. Rita ay may tig-10 puntos sa bakbakan na isinaere ng ESPN5. “It was tough.
Coming from two losses, it was really hard to regain our confidence, ayon kay Sta. Rita makaraan ang pahirapang laban na tumagal ng 2 oras at 21 minuto. “Not everyone knows how difficult it was for the team. But we’re happy that we finally get another win.”
Matapos na mangulelat sa Grand Prix, ang bagong bihis at pinalakas na Smart ay binuksan ang kampanya sa panalo kontra Sta. Lucia bago yumuko sa powerhouse squads na Petron at Foton sa straight sets.
“In the fifth set, we told ourselves that we can’t afford to lose the game, we have to win the game to redeem ourselves and to regain our confidence back,” ani playmaker Jasmine Nabor, na umiskor ng 24 sa natipong 26 excellent sets ng Giga Hitters. Nasayang ang 25 puntos ni Filipino-American spiker Kalei Mau, may 15 digs at 27 excellent receptions para Cocolife na wala pa ring panalo sa apat na laro. (MC / VA)





Comments