top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PATTS COLLEGE, TUMABLA SA LACO SA ISAA FINALS

A. Servinio
Nov 16, 2018
1 min read

BUHAY pa rin ang defending champion PATTS College of Aeronautics matapos nilang itabla ang serye para sa 10th Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA) Seniors Basketball champion kontra La Consolacion College-Manila, 62-42, Miyerkules ng hapon sa Para­ñaque City. Namuno si Norman Torreno sa paglayo ng Seahorses sa last quarter.

Bumawi si Torreno galing sa kanilang talo noong Biyernes, 59-63, kung saan wala siyang puntos noong huling quarter sa krusyal na oras. Binuhos niya ang 13 ng kanyang 19 puntos upang lumamang, 58-39, at nalimitahan sa 5 puntos lang ang nagawa ng Blue Royals sa huling quarter.

Kahit nabigyan ng tatlong maagang foul, nakagawa pa rin ng 15 puntos si Mark Jayson Morada at tinulungan ni JR Bautista sa 15 puntos upang buhatin ang PATTS bago pumutok si Torreno. Tinapos ni John Reed ang laro sa bisa ng dunk gamit ang dalawang kamay.

Nanguna si Paul Harley Daganan para sa Blue Royals na may 12 puntos at sinundan ni TJ Carino na may 11 puntos. Tahimik lang si Thurlough Grealy sa 9 puntos at 5 puntos lang ang inambag ni Jesse Bardaje, ang bayani ng panalo nila sa Game 1. Babalik ang serye sa tahanan ng Blue Royals sa Lunes, Nob. 19, para sa 3rd at last game. Para­ra­ngalan din ang MVP at iba pang natatanging manlalaro ng taon pagkatapos ng laro. Naiuwi ng Philippine Wo­men’s University ang 3rd Place, 61-60, laban sa Trinity University of Asia. Gumawa ng 21 pun­tos si Ivan Andaya para sa matagumpay na Patriots.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page