Ngayong Holiday Season — BSP | MAG-INGAT SA PEKENG PERA

IBINABALA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko kaugnay ng inaasahang pagkalat ng mga pekeng pera sa sirkulasyon sa papalapit na selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.
Ito ang inihayag ng BSP na regular nang lumalabas ang mga huwad na salapi lalo na at marami umanong nagsa-shopping.
Kaugnay nito, muling binigyang-diin ng bangko ang masusing pagsuri sa mga security feature ng banknotes upang hindi mabiktima ng mga mananamantala.
Sa simpleng pagsunod sa “Feel, Look, Tilt” method, matitiyak na hindi maipagkakamali ang peke sa mga genuine peso bill.





Comments