top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Babala sa mahilig magsuot ng masikip na pantalon!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2018
2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay tindera sa palengke, problema ko ang naglalakihan at masakit kong mga ugat sa binti. Ano ang maaari kong gawin o ipahid para maib­san ang sakit nito? — Cora

Sagot

Marami sa mga Pinoy ang may problema sa malalaking mga ugat sa paa at kamay. Bukod sa hindi ito magandang tingnan, minsan ay sumasakit pa.

Narito ang mga maaaring makatulong para hindi ito lumala:

  • Itaas ang mga ka­may o paa — ang sanhi ng varicose veins ay ang pagluwag ng mga ugat. Kapag pala­ging nakababa ang mga paa, maiipon dito ang dugo at mamamaga ang ugat.

  • Magsuot ng support stockings o masikip na medyas — ang support stockings ang pinakamabi­sang lunas sa varicose veins kaya ipinapayo na gumamit nito.

  • Iwasang tumayo ng matagal — kung hindi ito maiiwasan sa trabaho maaaring galaw-galawin ang iyong paa habang nakatayo na parang nag-e-exercise upang umakyat ang dugo mula sa paa pabalik sa puso.

  • Itaas ang mga paa kapag matutulog — ipa­tong ang mga paa sa unan para mabawasan ang pag-iipon ng dugo rito.

  • Iwasang magsuot ng masikip na pantalon — puwedeng maipit ang ugat natin sa mga paa. Siguradu­hing katamtaman lamang ang sikip para makadaloy ang dugo.

  • Kumain ng mga gulay na mataas sa fiber — tulad ng patola, pechay, okra at kangkong, gayundin, ang prutas tulad ng papaya at pinya. Sa tulong nito, magiging regular ang ating pagdumi. Kapag malambot ang ating dumi, makaiiwas tayo sa varicose veins.

Gayunman, hindi pina­payuhan na basta maniwala sa mga mamahaling gamot o pamahid para sa varicose veins kaya kung malaki o hindi na normal ang laki at masakit na ang inyong varicose veins, mainam na magpakonsulta na kayo agad sa doktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page