top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

120 SULTADA SA WPC DAY-2, ITATAMPOK

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2018
1 min read

MAKARAAN ang maingay na pagbubukas kahapon, ang prestihiyosong 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby ay muling raragasa ngayon sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila simula 11 a.m. hatid ang ikalawa sa tatlong mag­kakahiwalay na 2-stag eliminations tampok ang 120 bagong kalahok.

Minsan pa, ang mga sabu­ngero mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na ang iba ay mula pa sa Cebu at Davao City ay daragsa sa Manila upang saksihan ang tinagu­riang pinakamatinding laba­nan ng pinakamagagaling na manok-panabong sa mundo ibabandera ang mga pinaka­matagumpay na gamefowl breeders ng bansa.

Huli sa dalawang World Pitmasters Cup Master Bree­ders Edition na pasa­bong sa taon ito tampok ang mga Bakbakan o Digmaan-banded na mga batang tinale, ang siyam na araw na tung­galian ay gaganapin mula Nob. 15 hanggang 25 na kapapalooban ng regular na 9-stag international derby na may entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000 at ang one-day 7-stag big event sa Nobyembre 18 na may entry fee na P220,000.

Maghaharap sa ibabaw ng rueda sina Arman Santos, Patrick Antonio, Edr, Larry Amante / Atty Mendoza, Harold at Engr. Femie Medina, Dori Du, Jess/Fantastic Coliseum, Atty. Ed Santos, Edwin Lumbres, Allan Villegas at marami pang iba. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page