top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tulak at adik, nagkalat pa rin, buwisit!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 15, 2018
  • 1 min read

NILINAW ni P-Digong sa China na may Mutual Defense Treaty ang Pilipinas sa U.S.

Magkakabistuhan na!

◘◘◘

KALIWA’T kanan pa rin ang gumagamit at nagbebenta ng shabu.

Bakit?

◘◘◘

PERO, in fairness, nawala ang mga holdapan at snatching sa jeep at bus.

Nawala rin ang carnaping at holdap sa taxi driver!

◘◘◘

SA aktuwal, mas ligtas ang paligid ngayon sa Metro Manila kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Mas maraming pulis ang naaa­resto at nasibak dahil sa katiwa­lian kaysa noon na nagkukutsaba­han!

◘◘◘

Sa kabuuan, malinaw ang nasa­saksihan ng mga Pinoy kasi bumuti ang peace and order ngayong panahon ni P-Digong.

Dambuhalang iskor ito ni P-Duterte na hindi nagawa ng ibang naupo sa Malacañang.

◘◘◘

SUKO na ang grupo ni Gov. Luis ‘Chavit’ Sison sa pagprotesta sa third Telco.

Baka ‘naareglo’ na?

◘◘◘

SA ak­tuwal, na­pa­kara­ming Telco na ang nag­­ka­­kaloob ng serbisyo sa internet.

Pero, pinag-aagawan nila ang “third Telco”.

Hulaan ninyo kung bakit?

Secret!

◘◘◘

BUMABABA na ang presyo ng petrolyo.

Puwede na ang TRAIN Law 2.

He-he-he!

◘◘◘

NANG bumagsak ang oil price sa world market, nakarekober ang piso kontra dolyar.

Wala kasi kay P-Digong ang diperensiya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page