Search
  • Gina Pleñago

Solusyon sa malalang trapik | CABLE CAR SA M. MLA.


INUMPISAHAN na ng Department of Transpor­tation (DOTr) ang feasi­bility study para sa “urban cable car project” sa Metro Ma­nila.

Katuwang ng DOTr ang gobyerno ng France sa na­sabing proyekto na inaasa­hang makatutulong para mabawasan ang malalang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sa isang programa sa Clark office ng DOTr, du­malo ang mga opisyal ng NEDA at MMDA, mga ki­natawan ng French Embassy sa pangunguna ni Ambas­sador of France to the Philip­pines His Excellency Nico­las Galey.

Para sa cable system sa Metro Manila, ang feasibility study ay nagkakahalaga ng 450,000 euros, na direct grant mula sa French government.

Nagsimula ito kahapon at inaasahang tatagal ng sampung buwan.

Bilang grantor, nagha­ha­nap ang gobyerno ng France ng isang urban area para sa pilot implementation ng cable car project.

Sa pamamagitan ng fea­sibility study, tutukoy ang DOTr ng mga lugar sa Kalak­hang Maynila para sa pagpa­patupad ng proyekto.

Gayunman, ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, isinusulong niya sa Techni­cal Working group na ikonsi­dera ang cable car system na mag­kokonekta sa La Union hanggang Baguio City at Caticlan hanggang Boracay.

Ani Tugade, hindi la­mang “good transport so­lution” ang cable car system kundi makatutulong din ito para mapalakas ang turismo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.