Search
  • Mylene Alfonso

Rider pisak sa truck

PATAY ang isang mo­tor­cycle rider matapos pu­maila­lim at magulungan ng trak sa Pandacan, Manila.

Nabatid sa kuha ng CCTV, sabay na dumaan ang mo­torsiklo at isang 12-wheeler truck sa Jacinto Za­mora St.

Gayunman, paglampas ng interseksiyon, nawalan ng balanse ang rider na si Allan Rivera kaya sumemplang ito at pumailalim sa truck at nagulungan na dahilan sa kanyang agarang pagkama­tay.

Ayon sa driver ng truck na si Edilberto Manayao, hin­di niya nakita ang mo­torsiklo dahil nasa blind spot siya noon.

Hindi umano matulin ang kanyang takbo at walang prob­lema sa preno ng truck.

Nabatid na driver ng motorcycle-based ride-hai­ling company ang biktima, pero wala namang kaangkas nang maaksidente ito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.