Search
  • Maeng Santos

Pulis binentahan | 3 TIKLO SA SHABU

TATLONG hinihinalang sangkot sa droga kabilang ang isang drug pusher na nagbenta ng shabu sa pulis ang nasakote sa buy-bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang mga naarestong suspek na sina Jackson Binaya, Raymart Borinaga at Gregorio Pastarana.

Alas-8:00 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa pangunguna ni PCI Jowilouie Bilaro kontra kay Binaya sa kanyang bahay sa Malinta.

Nagawang makapagtransaksiyon ng isang undercover police ng isang plastic sachet ng shabu kay Binaya kapalit ng P200 marked money at nang magkaabutan na, agad lumusob ang nakaantabay na mga operatiba at sinunggaban ang suspek.

Narekober sa suspek ang dalawang plastic sachets ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money habang nadakip din sina Borinaga at Pastarana matapos maaktuhan ng mga operatiba na umano’y nagsa-shabu sa loob ng bahay ni Binaya na sinasabing ginagawang drug den.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.