Search
  • L. Abenales

Prangkisa ng electric company, nakabitin sa Kongreso | CITYWIDE BLACKOUT


INALMAHAN ng mga residente ng Iloilo ang naging pagbabanta ng Panay Elec­tric Company (PECO) na ititigil nila ang kanilang ope­rasyon sa Enero 19, 2019 kung hindi mare-renew ang kanilang congressional fran­chise.

Una nang sinabi ni PECO Legal Counsel Atty. Inocencio Ferrer na ang Kamara at Senado ang dapat sisihin ng mga residente sa mararanasang citywide black­out dahil sa hindi pag­re-renew ng kanilang prang­kisa.

Buwelta naman ng mga residente, walang dapat si­sihin sa sinapit ng PECO kundi ang pamunuan nito na sa loob ng 95 taong ope­rasyon ay hindi nagawang imodernisa at isabay sa pa­nahon ang kanilang pasilidad na nagresulta sa madalas na inirereklamong brownout at mababang kalidad na ser­bisyo. Kasabay ng pag­kuwes­­tiyon sa prangkisa ng PECO, inaprubahan ng House of Representatives at Senado ang legislative franchise ng MORE Power and Electric Company na mag-operate bi­lang distri­bution utility sa Iloilo. Sa ngayon, nanatiling nakabim­bin sa House Com­mittee on Legislative Fran­chise ang franchise renewal appli­cation ng PECO suba­lit, tinutu­tulan ito ng Iloilo City Council at may 25,000 residente ang nakapirma sa No to PECO petition sa da­hilang sa maha­bang pana­hon ay hindi na­pagbuti ng utility firm ang ser­bisyo nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.