Search
  • BULGAR

Nanggitgit, nagwala, nanapak, namerhuwisyo sa kalsada | Driver na naka-‘8’ sangkot sa away-trapiko,

RYAN B. SISON / BOSES

GALIT na galit ang ilang netizens matapos nilang mapanood ang viral video ng isang sa­sakyan na FJ cruiser dahil sa panggugulo nito sa kahabaan ng Congressional Avenue.

Kitang-kita sa video na nanggigitgit, nag­wawala at tila nananadyang makipagbangga­an ang FJ cruiser sa ilang sasakyan na ma­payapang binabaybay ang daan.

Bukod pa rito, huli rin sa akto ng dash cam ng isang concerned citizen na maraming mo­torista ang muntikan ng madamay, maper­huwisyo at maabala dahil sa kagagawan ng nagmamaneho ng nasabing sasakyan.

Gayunman, dahil sa 8 na plaka nito hi­ninala ng karamihan na ang may-ari ng sa­sakyan ay isa raw Congressman Lazatin.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, napag-ala­man nila na nagngangalang Jojo Valerio ang driver ng FJ cruiser na nanapak pa umano ng kapwa motorista na nahuli sa CCTV camera kung saan sinabi ni Valerio na cong­ressman ang kanyang ama.

Bagama’t, mariin itong itinanggi ni Cong. Lazatin, gayundin sinabi niyang wala siyang FJ cruiser at ang kanyang mga anak ay mga menor pa lamang.

Sa ngayon ay naka-detained na si Valerio sa Angeles City Station 4, pero kuwestiyu­nable pa rin kung kaninong sasakyan ang mina­maneho niya at bakit may plaka itong 8.

Samantala, kahit kanino o kung anong klaseng sasakyan at plaka pa ‘yan, hindi tama na maghari-harian tayo sa daan.

Gayundin, panawagan natin sa mga ki­nauukulan, maging responsable at huwag tayong abusado, matuto na sana tayo sa ibang mga opisyal na gumagawa ng katiwalian at huwag na natin silang tuluran.

Kaya ang paalala sa lahat, dito sa bansa, pantay-pantay lang ang lahat, walang dapat nakalalamang at nakaaangat.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.