Search
  • BULGAR

Lady cop nireyp ng police officer


ISANG babaeng pulis ang umano’y ginahasa ng kanyang instructor na pulis din habang nasa isang training center sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa ulat, naganap ang krimen sa loob ng Joint Maritime Law Enforcement Training Center sa Puerto Princesa.

Kabilang umano ang biktima sa kumukuha ng maritime trooper course.

Kinilala naman ang suspek na si Police Officer 3 Jernie Languian Ramirez, na nagsisilbing assistant instructor.

Nilapitan umano ng suspek ang biktima at pilit na pinapasama sa pag-ikot sa center hanggang sa hinalikan umano ni Ramirez ang bagitong policewoman bago niya dinala sa kuwarto at ginahasa.

Agad umanong nagsumbong ang biktima sa kanilang course director at inaresto ang suspek. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.