Bebot na dehins knows kung babalikan pa ang naiwan na boyfriend sa probinsiya
Dear Roma,
Ako si Ali, 20 years old. May boyfriend ako, magtatatlong buwan na kami at taga-probinsiya siya. Naging kami nu’ng umuwi ako sa Samar para magbakasyon. Ngayong nakabalik na ako rito sa Maynila, pinipilit niya akong bumalik doon para mag-live-in na raw kami. Hindi pa ako makapagdesisyon dahil kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko. Ano ang maipapayo ninyo sa akin, Roma? Maraming salamat! — Ali
Ali,
Mahalagang tapusin mo muna ang pag-aaral mo bago ka magdesisyon tungkol sa pakikipag-live-in sa boyfriend mo. Ang payo namin sa iyo ay kausapin mo ang boyfriend mo at ipaliwanag mo sa kanya na pag-aaral ang unang priority mo at hindi ang pag-aasawa. Kung talagang mahal ka niya, maiintindihan ka niya at makapaghihintay siya. Good luck sa iyong pag-aaral at God bless!





Comments