Search
  • Clyde Mariano

BATANG PINOY FOOTBALLERS SA BARCELONA, NAGBALIK-BANSA NA


BUMALIK na kahapon sa bansa ang 10 Batang Pinoy footballers galing sa Spain na nag-training ng walong araw sa Barcelona FCB Academy at ikinu­wento nila ang kanilang once-in-a-lifetime na natutunan at karanasan kay Brazil legend football coach and Barca player Juliano Belletti.

Nag-training ang mga Pinoy kasama ang mga batang footballers sa Chile, Colombia Maldives, Malaysia, South Africa, Venezuela, at Trinidad and Tobago.

Itinuro sa kanila ang rudiments sa football at ini-apply nila sa friendly match sa kapwa batang manlalaro ng Fundacion Marcet Football Academy.

“They are the future Azkals players,” sabi ni Milo Consumer Marketing Manager Robbie de Vera sa press­con kung saan pinarangalan ang 10 batang Pinoy galing sa iba’t-ibang panig ng bansa na nag-training sa Barcelona.

Ito ang unang beses na nag-training ang mga Pinoy footballers sa Barcelona. Ang Pinoy footballers ay suma­ilalim sa ilang serye ng training sessions sa FC Barcelona Youth Academy ng football coaches sa Ciutat Esportivgo. Ang sampung Pinoy ay sina Lien Dale D. Manuel, Ale­xander David Villarosa, Brein­del Medina, Andrei Teodosio, Trista Ybanez, Juan Pablo Unlay, Dylan Theodore Wong, Carlo Antonio Bongo­can, Jelena Loren Soon, at Daniel Isaac Cagaanan. “Very fruitful yung training namin. Marami kaming natutunan sa football,” sabi ni Teodosio, nag-aral sa Ilaya Barangka Integrated School sa Mandalu­yong.

Ang training session ay base sa Barca Mythology kasama ang passing and attacking of football. Ginamit nila ang kanilang natutunan sa friendly match laban sa Fundacion Marcet Football Academy football team. Matatandaan na ipinakilala ang football sa ‘Pinas ng Kastilang si Juan Cutillas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.