Search
  • Jeff Tumbado

Tatay pinagtataga sa ulo, dedo

ISANG ama ang namatay makaraang pagtatagain ng kanyang anak sa Pasil, Kalinga.

Dead-on-arrival sa Rural Health Unit (RHU) si Luis Donato, 64, sanhi ng tatlong malalalim na sugat sa kanyang ulo mula sa pananaga ng suspek na anak na si Julius, 23.

Naganap ang karumal-dumal na krimen alas-8:30 ng gabi sa bahay mismo ng Pamilya Donato sa Bgy. Pugong. Pinagsasabihan umano ng ama ang anak nito na huwag lumabas ng bahay na may dalang bolo.

Nagkaroon umano ng diskusyon ang dalawa hanggang sa pagtatagain ng anak ng tatlong beses sa ulo ang ama.

Naawat ang suspek ng kanilang mga kaanak at agad isinuko ito sa mga awtoridad.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.